Wednesday, September 2, 2009

Wikang Filipino, Mula Baler Hanggang Buong Bansa...

Ang Wikang Filipino ay napakahalaga sa atin. Dapat natin itong tangkilikin at mahalin sapagkat ito'y sariling atin. Ang Wikang Filipino ay Pambansang Wika ng Pilipinas.

Wika, Wika , Wika.. mahalaga. Ang taong hindi magmahal sa kanyang sariling Wika ay mas masahol pa sa malansang isda. Upang tayo'y magkaunawaan marapat lang na gamitin natin ang Wikang Filipino. Kahit taga san ka man, iba man ang dialektong gamit mo, kapag ikaw ay nakipag-usap sa ibang lugar gamitin ang Wikang Filipino upang magkaintindihan.

Kung lahat tayo ay mamamahalin at tatangkilikin ang ating sariling Wika magkakaroon tayo ng pakakakunawaan, at pagkakaisa sa ating bansa. Kaya ang Wikang Filipino ay pahalagahan, mahalin at tangkilikin. Wikang Filipino Mula Baler Hanggang Buong Bansa.

No comments:

Post a Comment